Friday, May 18, 2007

May Election

It's my first time to be a poll watcher..
Mga 6 or 7 seven years pa lang kami sa probinsyang kinabibilangan namin ngayon kaya kung sa mga personalidad lang sa aming bayan and tatanungin eh zero balance ako dyan. Pero malayo pa ang eleksyon ay maugong na ang labanan ng dalawang kampong siguradong magtutunggali sa darating na halalan. Sa usap -usapin ang maglalaban ay ang dating mayor at ang kasalukuyang mayor kaya talagang labanan ito sa kapangyarihan. Ang kasalukyang mayor ay binato na kaagad ng mga di magagandang usapin ukol sa kanyang pinatayong unibersidad sa aming bayan. At syempre, may depensa ang mayor ukol sa usaping ito. Mainit ang pangangampanya kaya't naisipang kong maging poll watcher ng kampo na sinusuportahan din ng tatay ko. Bagama't ang kabilang kampo naman ay sinusuportahan ng aming Pastor. Bukod sa sasahurin ko(hehehe) isang bagong kaalaman ito para sa akin.
Araw na ng eleksyon tanghali pa ako nagising..tama ba yun?!
Maingay ang paligid, madami na kaagad basura ng papel sa paligid. Namumuo na kaagad ang tensyon, seryoso na ang teacher, naghahanapan na kaagad ng mga presinto. Maayos naman ang botohan wala namang kakaibang kilos. Liban sa isa kong napuna. Nasa labas ako nun ng silid. May naghihintay na dalawang babae sa labas. May dumating na lalaking nakaputing t-shirt. At pagtapos nun pumasok na ang mga babae para bumoto. Matapos bumuto ang dalawa ay nakangiting lumisan ang tatlo. Palagay ko nagkabayaran na sa ibaba. Hay...
Ang matinding tensyon ay ang pagbibilang. Mahigpit sila magbantay. Mahigit isang daan lang ang mga naging botante pero nakatutok ang bawat isa sa amin. Hindi umaalis o natitinag sa pagmatiyag sa binabasa ng guro at ang pagsusulat ng nagta-tally ng boto. May mga ilang pagkakataon din naman na nagkatawanan sa loob ng silid pero pang-alis lang ng tensyon..May mga hindi balanseng "tally" buti na lang maliit lang. Siguro alas-diyes na kami natapos sa pagbibilang. Pagod na ang lahat pero hindi pa rin kami umaalis hanggat di natatapos ng guro ang pagpirma sa "election returns". Laking pasalamat ko na lang at hindi naman kami nagkakagulo. Sa kabilang presinto nagkamali daw ang guro at maka dalawang beses na nabilang ang sampung balota kaya nagprotesta ang mga watcher. Uulit sila ng pagbibilang. Haaay.

No comments: