
Ang ganda ng beach. Ang linaw ng tubig. Ang sarap damhin ng init ng araw. Ang sarap ng simoy ng hangin, malinis at malamig sa pakiramdam. Ang sarap lumangoy. Feeling ko para akong isda sa dagat na malayang nakakalangoy saan ko man naisin. Relax kapag sa bawat kampay ng paa ko ay umuusad ako patungo sa lugar na abot ng aking paningin. Nakaka- inganyong sumisid at kunin sa ilalaim ng dagat ang mga batong maputi at makinis. Sana nga may waterproof akong camera para pati sa ilalaim ng dagat at makuha ko ang kagandahan ng nature.
Nagpapasalamat ako sa ate ko dahil in-enrol niya ako sa swimming school. Nagpapasalamat ako sa teacher ko na matiyagang nagturo sa akin bagamat hindi kami magkaintindihan. Nagturo siya ng tama at ayon sa takbo ng pakatuto ko. Nagpapasalamat ako sa mga kaklase ko dahil binigyan nila ako ng pag-asa. Nagpapasalamat ako sa sarili ko kasi hindi ako sumuko. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng pagkakataon at iningatan niya ako palagi.
Have you gone to the beach lately? treat mu naman ang sarili mu paminsan-minsan hindi yung puro trabaho. Kung pupunta ka sama ako ha?! ;-)
No comments:
Post a Comment