Pilit ko man sabihin sa sarili ko na
"papasakop ako o masunurin ako,"
hindi ko pa rin magawa.
Gusto kong lumaya. Gusto kong mag-explore.
Mahilig ako magpunta sa ibat-ibang lugar.
Gusto kong subukan ang sarili ko kung kaya ko siyang puntahan.
Gusto kong magbiyahe.
Gusto kong magpunta sa maraming tao gaya ng Divisoria.
Gusto kong magpunta sa na lugar na pwede kong ilublob ang mga paa ko sa tubig.
Gusto kong mamalas ang ganda ng dagat.
Minsan gusto ring sumigaw kapag naabot ko na ang tuktok ng bundok.
Gusto kong gumuhit at ipinta ang kulay ng langit.
Gusto kong maglakad.
Uumpisahan ko na.
Sayang, gusto ko kasama kita.
No comments:
Post a Comment