Ang natatandaan ko malapit na akong magresign sa dati kong work. Gusto ko nang umalis talaga pero hindi sa paraang ganito. Pupunta ako sa malayong lugar na hindi ko alam ang magyayari sa akin. Maiiwan ko ang love ko. Maiiwan ko ang mga kaibigan ko. Mawawala ang tenure ko. At feeling ko mahihinto ang buhay ko. Well slight ganun nga ang nangyari. Mapunta ka ba naman sa bansa na iba ang salita eh di para ka na ring naging pipi at bingi. Buti na lang kasama ko ang nanay ko at nakatira kami sa bahay ng ate ko dun sa Japan.
Well ako'y nasadlak sa ibat-ibang trabaho. May maliit ang sahod pero nakakalibre naman ako ng overseas call. Mayroong malaking sahod pero gising ka naman magdamag. At higit sa lahat malayo ako sa loves ko. Hanggang sa hindi ko nakayanan, nakipaghiwalay ako. Malapit na ang 6 months at malapit na akong umuwi pero bitbit naman ang mga papels pabalik sa Japan. Kung hindi ba naman, naulit pa! Well, marami ding nangyari sa halos isang buwan ko dito sa Pilipinas. Nakipagkita ako sa mga kaibigan ko, nag-ayos ng papels, nag charity works, etc. Nagkabalikan din kami ng loves ko.
At eto na balik 6 months. This time mas grabe. Matindi ang trabaho,kayod kabayo talaga at gawaing bahay pa. Kailangan mu pang makisama sa mga tao sa bahay. Kailangan mu pang intindihin ang pamilya sa pilipinas. Kailangan mu pang dalhin ang problema ng isang tao dahil ayaw mu siyang ma-stress. Iisipin mu pa yung loves mu sa pilipinas. (Puro reklamo) But this is when i grow in Faith. Kasama ko si Lord kaya hindi ako nag give -up. Nagdadasal na lang ako na sana malapit na akong umuwi.
Ang sarap ng buhay. I'm free.
But wait anu na naman ito?
Kailangan naman umalis ng bestfriend ko to another country.Pero madali pa ito kasi at least its for her future and for her family. The last time we saw each other was at the airport na.
Nagkasakit naman ang sister ko. At kailangan niyang operahan sa utak. Fortunately, miracle ng Lord at fully-recovered naman siya. Pero kailangan bumalik ng nanay ko sa Japan. Maiiwan ako to take care of my family. Trabaho at pamilya ang gagampanan ko. I can't handle one more.
Saka na ang happy days.
Another 6 months.
No comments:
Post a Comment